Just came home from a night out with my 2nd family. Heto kasi si Best walang magawa kaya nag-suggest kay PapaChito na magpunta kami sa Zircoh. By the way, sobrang lakas ng ulan kahapon noh? Grabe! Ang ilaw nga dito sa bahay super flactuate to the max eh. Hehe! The plan for today talaga is to go to Jollibee at Sangandaan to buy merienda {kahit malakas ang ulan, ay go parin ito}. We passed by tita Irene's house muna to check out some latest chikka. They too are planning to go out din pala. Sama sana kami pero si Best nga nag-yaya kay Papa so syempre go with the flow lang ang lola mo.
We checked out the show at Zircoh, sayang LIVE: MYMP {my fave} pero sabi ni Papa eh gusto nya yung mga bading-gallore ang guest. We checked out the Klowns and the guest are Jinky Oda, Sandara Park, Joseph Bitangcol, Vhong Navarro, Osang and the other one I forgot the name parang YaChang ata yun, eh haller di ko type si Sandara noh! Si Vhong pwede pa, kaya lumipat kami ulit. Napunta kami sa Laffline. Guests: Chocolate, ate Gay, Maui Taylor {panalo!} and Anton Diva {oh diva?}. So sa halagang P250, sulit na kami.
The best ang mga lines nila Chocolate and ate Gay, pero grabe! Rated 18 talaga kasi super sa mga banat ng jokes nila. Walang MTRCB dito, hehe! Heto pa masaklap, may isang family don na puro bata ang kasama. Sabi nga nila Chocolate eh "mga magulang patnubay po sa mga anak, dahil ang mga bibig namin eh walang preno". Which is true talaga kasi mura talaga ito kug mura, haha! Bastusan ito kung bastusan, haha! Sumakit nga tsan ko sa kakatawa eh. Pero mas okay sana kung ang napanood namin ay show ni Gladys and Jose. Yes!
Ayus na sana ang show eh, may food may drinks hetong si papa bumirit na kumanta daw ako. As usual ang lola nyo duwawg sa mga ganyan. Ayokong kumanta in front of many people. I feel like I'm not good enough kasi, buti kung kami kami lang diba? Eh haller! ang mga bading na yan super to the max mang-okray. Well, para hindi naman kami mapahiya diba umakyat parin ang lola nyo sa stage. Haay! Syempre I was asked kung nag-aaral pa ako -- oh diba? That means I still look young pa talaga {walang kontra, blog ko 'to! -- hehe!}. Then I was asked if I'm working and where. Sabi ko nga baka paglabas ko patayin na ako kasi baka maraming galit sa Globe, hehe! Baka daw nag-o-autoload lang daw ako sa Globe, haller! So after the okrayan, buti nalang kahit papaano eh di ganon ako inokray kasi crush ni Sammy si papaChito, hehe! So infairness di naman ako super mukhang tanga, although when I started to sing siguro mga 2 grupo ang umuwi na... haha! don ako na-okray nung isang bading. Hehe! Not my fault noh! Eh haller, past 1am narin kaya non. But you know what I'm happy because that was my frist experience sa mga ganyang bars, I mean I don't sing infront of many people talaga. Kung party lang sa bahay okay lang, pero yung ganitong you don't know the persons around you feeling ko talaga mapapahiya ako. By the time I finished singing, actually dapat nga isang song lang eh -- kailangan daw dalawa. Hmph! So syempre ang walang kamatayang "LOVE MOVES IN MYSTERIOUS WAYS" kinanta ng lola nyo. Right after "GET ME" of course {hindi naman obvious na fave ko ang MYMP noh?}
Well, what a night this was. Past 3:30am na, I'll post the pix later this afternoon nalang. The card reader's with tita Irene kasi eh, so I have to get it pa sa house nila tomorrow. Best took a video of me singing, I'll try to upload it {y not!}. 2days down, 2days to go. Today Saturday, magkikita kami ni Twin sa AFP Theatre to watch a movie musical daw chenes. I'll post the story pagdating ulit.
No comments:
Post a Comment