Wednesday, April 26, 2006

Fire Drill

Today, sinamahan ko si Best Olivene magpunta sa BPI for her contract signing (syempre dakilang alalay nanaman ang papel ko). After 3 hrs of waiting (feeling ko nagtratrabaho na sa loob si Best at nakalimutan na ako). Hehe! I remembered na dati nung time na nag-exam sya sa BPI, grabe! pahirap din yun. Dumating kami don 8:30am because she was scheduled for an exam ng 9am. Well she passed the exam pero I waited for about 8hrs! Imagine whole day! Kasi after her exam nag-panel interview na siya sa BPI Buendia Center. Grabe! Nakatulog na ako't lahat di pa siya tapos. Kulang nalang mapagkamalan akong security don sa tagal. Hehe! Anyway, past is past... tanggap naman siya sa work kaya okay lang. Worth it naman yung long wait ko eh.

Kanina while waiting for Best, I heard BPI employees asking what time daw ang FIRE DRILL? Omg! May fire drill sa
office pero since call center kami yung mga naka-log di pwede sumama sa drill kasi nga 24/7 kami. So yung mga sumasagot ng calls, sunog na. Hehe! Joke! So as I was saying, biglang nag-ring yung FIRE ALARM. Sh*t! di ko alam ang gagawin ko diba?! Nagtanong pa ako sa guard "Manong, bababa po ba tayo?", "Yes ma'am, kasi bawal po mag-stay dito, mag-inspect po yung mga taga City Hall eh" -- isip ko lang "eh bakit ikaw di ka pa bumaba?". We were told to use the stairs (buti nalang at nasa 5th floor lang kami). Inisip ko ulit "pano kaya yung mga nasa 17th floor? gosh!".

Hala! Si Best nasa itaas pa! Hehe! Naisip ko pala na pag nagkasunog, sa sobrang panic mo minsan yung mga bagay na dapat di mo kalimutan di mo na maiisip. Hehe! Pero in real life, I know na di ko maisip na iwan si Best sa 5th floor (charot!). Anyway, nung nasa ibaba na kami nagulat ako kasi lahat ng employees nandon. Oh diba, very cooperative ito? Tapos sa gitna nagkaroon ng demo on how to put down a fire using a fire extinguisher. Yun ang fire drill? Akala ko may mga aakayat pa don sa taas using ladders and all... ni wala nga akong bumbero nakita eh. May alarm pero puro security lang nakita ko. Pero at least lahat nakipag-cooperate and somehow naging calm naman lahat sa pagbaba ng stairs. Sana in real life ganon din. :) Kudos to all BPI employees for a drill well done.

After that kumain kami ni Best sa fave McDo namin. Syempre di namin makakalimutan di i-order ang famous Twister Fries and Mcfloat ng Mcdo. Kami pa!

Best will start w/ BPI this 17th as IT Specialist. Ang akin lang, kaya mo yan Best! Ikaw pa! Just remember that we're here to back you up anytime! :)

originally posted April 7, 2006

2 comments:

Anonymous said...

hay naku! ang tanga nung nakaimbeto nung "dapat daw wag kayo sumama dahil call center kayo and kelangan kayo 24/7 dun! ang bobing! grabe! kairita.yun lang.'di naman ako masyadong bwisit nito eh noh! hahahahahaha...

Saturday, April 15, 2006 3:01:35 PM

[ JhARi ] said...

korek ka jan, terette! Kaya nga FIRE DRILL dabah? Hehe! Cool ka lang.

Saturday, April 15, 2006 8:40:51 PM