Wednesday, April 26, 2006

Tabotabo-Pagdilao Nuptial

APRIL 2, 2006:
Tabotabo-Pagdilao Nuptial
NUESTRA SEÑORA DE GRACIA PARISH
Last Sunday, nagpunta kami sa wedding ng one of the special person in my life. Ate Belle finally walk down the aisle w/ the person whom she will love for the rest of her life... haay! te Belle is one of the closest person na kasama ko way back highschool days noong nasa Saudi pa kami. Nagkahiwalay kami May 1998 and ngayon lang ulit kami nagkita... and special day nya ito. One year na silang kasal actually ni kuya Ipe. Last Sunday, April 2 2006 was their 1st year Annivesary. Kinasal sila sa Philippine Embassy in Riyadh inspite na napakahigpit ng security doon, no one could ever separate them ika nga. Pagdating sa pag-ibig, walang hahadlang.
Te Belle, was able to give me a quick story on how they met. Syempre kwekwento ko rin. Para at least may idea kayo. Last 2004, nung nagbakasyon siya dito sa Pinas, nagpunta siya sa Ilocos together w/ her friend who invited her para mag-outing. That was when she met kuya Ipe who that time was takin' a vacation as well. They got acquainted and nag-jive ang personality nila. That time, committed si te Belle (i-tsismis daw ba?), hehe! Back to Riyadh, te Belle was on schedule to take her CGFNS Exam in Egypt w/c apparently kuya Ipe on the other hand naman took a trip to that country. So in other words, nagkita ulit sila and the rest is history. They fell more in love w/ each other since nagpunta pa sila sa Dubai for another tour (o diba, sossy! tour ito ever!).
So, pagdating sa wedding... ang init ha! Kasi 3pm ang start ng wedding eh. Si te Belle nasa loob ng car when we arrived. Grabe! Napaka-solemn nung wedding kasi mga ka-close lang ang invited. Sabi nga nung emcee sa reception w/c took place at Rockwell by the way, na "lucky are those whose here tonight, because Mabel and Ipe has lots of friends and sa sobrang dami, sinigurado nilang limited lang ang pupunta... and kayo yon... meaning, isa kayo sa malapit sa puso nila na gusto nandon for this special day..." -- naks! touch naman ako. Ang motif ng wedding nila ay "RED" -- oh diba? Ganda! Ang church nila, parang pang-teleserye... ang ganda! Kinilabutan nga ako noong nakita ko eh, hehe!
** tita Elvie and tito Tabs, proud parents of te Belle **
** down the aisle **
When I saw her walk down the aisle, nasabi ko lang sa sarili ko "Haay... finally te Belle..." -- Super ganda nya. I know pinaghandaan nya itong day na 'to and I know for sure, October palang of last year, mega diet na ito (di ba te belle?). Kasi I remember nung nasa Saudi pa kami, she always told me na 3mos lang daw ang pag-di-diet. Pero everytime na may handa sa Saudi... ayy! Forget about the diet ito... sumasama pa me sa kanya everytime na bibili kami ng pang-diet foods nya. and I know te Belle na pinilit mo lahat para maging sexy ka w/c you are naman always. :)
Since camera phone lang ang gamit ko medyo malabo yung mga pics na nakuha ko, pero okay lang at least may remembrance ako. I even took their picture noong nasa harap na sila ng altar. Pasensya na medyo malabo kasi nasa likod nga kami nakaupo eh.
At the reception, medyo nabigla ako kasi I was asked if single pa ako, of course I said "Yes". Then the guy gave me this red candle stick. Sabi nya "Ma'am, you'll be called later before the start of the program...". Inisip ko tuloy na, ano ba ito? Wedding or debut? Hehe! So, as expected... tinawag nga kaming may mga candle and pinapila nga kami in two lines, yun pala as a welcome entrance sa newly weds (gosh! first time ko ito!). So, after non akala ko tapos na, hindi pa pala... we were told to form a circle and in the middle stands the bride and for the boys the groom in the middle as well. So, dance dance daw... chuva... te Belle, was given by the emcee 3 roses (white, red and I think the other one is pink). Parang trip to Jerusalem ang labanan nito. Ito na pala yung modern game na instead ihagis nung bride yung bouquet eh pagpapasahan yung isang stem ng rose and once the music stops, isa sa kanila ang pipiliin... te Belle will make bunot kung sino sa tatlo ang chosen. Well, nakuha ko yung Red rose actually. Finalist ako.. hehe! patawa! yung dalawa super tangkada sa akin and both of them were wearing dress talaga kasi yung isa (the one who got the white rose w/c by the way the one that was chosen by te Belle and I think abay din siya sa kasal eh) tapos yung isa naman invited lang din tulad ko pero she was wearing dress din... eh ako nakapants and blouse lang... wag ka! Ako pa ang pinaka-maliit sa tatlo... sabi ko nga "ano 'to patangkaran?" hehe! It was fun though, and lucky me kasi di ako yung napili kasi the consequence is that since siya yung nabunot ni te Belle, sa kanya ilalagay yung garter galing sa legs ni te Belle... whoah! buti nalang kung ganon.
After that, syempre picture picture na... papahuli ba ako na di ko makasam sa picture yung newly weds diba? Syempre I asked the official photographer to kindly take a picture using my cell... kahit N6600 lang siya... ayy... wala akong paki! So hayan, meet the couple. Bagay sila noh? How sweet!
I'm so happy for te Belle, kasi I know she waited for this special moment dati pa. By the way, te Belle is working as a Senior Nurse at Armed Forces Military Hospital sa Riyadh, while kuya Ipe on the other hand is Pediatrician sa isang hospital din sa Riyadh... I just don't know if kuya Ipe is working at Military din. I just met him that day lang din eh. Pero I know he'll love te Belle so much na I'm confident na di nya sasaktan si te Belle and will be a good husband sa kanya.
Macky was there too syempre since brother siya ni te Belle... grabe! Ang tangkad nya sobra! Parang noon lang, ang liit pa nya and lagi kong niloloko kasi ang takaw nya kumain lalo na sa chocolates. Sabi ko nga irereto ko siya kay Arra (my niece). He's in college right now, studying Comp. Eng. sa AMA Makati, while Arra on the other hand is about to start college this school year. Hmm... pwede? Hehe! Konsintedor na tita! See the souvenir? Ganda noh?
Well, ang wish ko lang for te Belle ay sana maging ninang na ako... haay! Congratulations te Belle!, I'll miss you and keep in touch!
originally posted April 3, 2006

1 comment:

Anonymous said...

*sniff* *sniff* ayokong nakakakita ng wedding lalo akong nalulungkot eh...=( wahhhhhhhhhhhhh

Saturday, April 15, 2006 3:00:17 PM